Dalawa pang pulis, nasawi dahil sa COVID-19

Aabot sa 194 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 15), 18,262 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,449 ang aktibo pang kaso.

215 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 15,764 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Dalawa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 49 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...