DILG Secretary Año balik-trabaho na pero work from home muna
Makalipas ang tatlong buwan, pamumunuan na muli ni Secretary Eduardo Año ang Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ang inanunsiyo ni DILG spokesman Jonathan Malaya, ngunit nilinaw din niya na work from home muna ang kalihim bago babalik sa kanyang regular work routine.
“After more than three months of grueling struggle, including a heart operation, the secretary is well, in high spirits, and ready to reassume his duties in the department as well as in the National Task Force COVID-19 and in the IATF-EID,” sabi pa ni Malaya.
Magugunita na si Año ang unang miyembro ng gabinete na tinamaan ng COVID-19 nang nagsisimula nang manalasa ang nakakamatay na sakit sa bansa.
Nitong Agosto muli niyang nakuha ang sakit at mas naging seryoso ang kanyang kondisyon.
Noong nakaraang Enero nag-medical leave ang kalihim base na rin sa payo ng kanyang mga doktor at ito ay umabot na rin ng tatlong buwan.
Sa pagkawala ni Año sa DILG, umaktong officer-in-charge ng kagawaran si Undersecretary Bernardo Florece.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.