Bagyong Bising lumakas pa

Lalo pang lumakas ang bagyong Bising.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), taglay ng bagyo ang hangin na 130 kilometers per hour at pagbugso na 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa sa direksyon na westward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bagama’t lumakas ang bagyyo, wala namang inilabas na signal warnings ang Pagasa.

Huling namataan ang bagyo sa 960 kilometers east ng Surigao City.

Ayon sa Pagasa, Malabo namang mag-landfall sa bansa ang bagyong Bising.

Pero mamayang gabi, maaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Northern at Eastern Samar.

 

Read more...