Bata, patay sa sunog sa Paranaque, kapatid at kanilang ina, sugatan

By Erwin Aguilon April 13, 2016 - 06:14 AM

fire-defaultPatay ang isang pitong taong gulang na batang lalaki, habang sugatan ang kaniyang tatlong buwang gulang na kapatid at kanilang ina, matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Tambo Paranaque City.

Ayon kay FO3 Giovanni Cordez, natutulog ang mag-iinang Garcia sa ikalawang palapag ng tinitirahang apartment sa Tamarao Court sa Barangay Tambo nang sumiklab ang apoy sa kusina pasado alas 10:00 ng gabi kagabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang batang si Onyx Garcia, habang ginagamot pa rin sa ang kapatid niyang si Chloe at nanay na si Cindy – 33 anyos.

Nagtamo ang sanggol ng sunog sa kaniyang mukha habang wala namang malay nang ilabas ng bahay ang inang si Cindy.

Naka-lock umano ang mga pinto, grills at fire exit ng bahay kaya nahirapan ang mga bumbero na ito ay pasukin.

Ayon kay Cordez, maaring faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Tumagal ng isang oras ang sunog at tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

 

TAGS: fire hits residential apartment in Parañaque City, fire hits residential apartment in Parañaque City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.