4.9M sa NCR plus bubble nakatanggap na ng one-time ECQ ayuda

By Jan Escosio April 16, 2021 - 09:40 AM

Higit 4.9 milyon na sa mga naapektuhan nang pag-iral muli ng enhanced community quarantine (ECQ) ang nakatanggap ng one-time cash aid hanggang kahapon, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang bilang ay 21.5 porsiyento ng tinatayang higit 22.91 milyon benipesaryo sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan.

Sa kabuuan, higit P4.93 bilyon na ang nailabas ng mga lokal na pamahalaan na kasama sa idineklarang NCR plus bubble.

Base sa ulat ng DILG, higit 3.4 milyon sa mga nakatanggap na ng ayuda ay sa Metro Manila, na may tinatayang higit 11.17 milyon benipesaryo.

Samantala, halos P1.5 bilyon naman na ang naipamahagi sa Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

TAGS: COVID-19, dswd, ECQ ayuda, NCR plus bubble, COVID-19, dswd, ECQ ayuda, NCR plus bubble

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.