Quirino proviince mananatili sa MECQ hanggang sa katapusan ng Abril

Mananatili sa modified enhanced community quarantine hanggang Abril 30 ang probinsya ng Quirino.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Una rito, nasa modified enhanced community quarantine ang Quirino mula noong Abril 1 hanggang 15.

Sa pinakahuling talaan, nasa 1,115 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Quirino province.

 

 

Read more...