Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Surigae.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), papangalanan itong bagyong Bising.
Pumasok ang bagyo sa PAR, kaninang 6:20 ng umaga.
Taglay ng bagyo ang hangin na 110 kilometers per hour at pagbugso na 135 kilometers per hour at kumikilos sa westward direction sa bilis na 10 kilometers per hour.
Inaasahang magpapaulan ang bagyo sa Eastern Visayas at Mindanao regions.
Makararanas naman ng magandang lagay ng panahon ang Luzon region.
MOST READ
LATEST STORIES