Duterte, aminadong hindi alam kung kailan magkakaroon ng sapat na COVID-19 vaccine ang Pilipinas

Photo grab from PCOO Facebook video

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging siya ay hindi alam kung kailan magkakaroon ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

“Itong atin dito, wala pa tayong nakuha except for ‘yung nakuha natin sa China,” pahayag ng Pangulo sa kanyang public address, Huwebes ng gabi (April 15).

Aniya, mayroong nakukuhang bakuna ang bansa at may inaasahang darating kahit paunti-unti.

“To our sadness, the stocks that are coming in are barely enough to inoculate the health workers,” pahayag ni Duterte at aniya pa, “Now, when will we have that stock sufficient to vaccinate the people? I really do not know. Nobody knows.”

Iginiit ng Punong Ehekutibo na wala pang sapat na suplay ng bakuna para maibigay sa buong mundo.

“Matagal pa ‘to. Sabihin ko sa’yo, marami pang mamamatay dito,” saad nito.

Tiniyak naman ng pangulo sa publiko na inihahanda ng gobyerno ang lahat para matugunan ang problema sa pandemya.

“Do not be afraid. Government is working. Government is busy doing everything not nothing. Government is trying to get the things to fix all of us,” ani Duterte.

Para maabot ang herd immunity, kinakailangang maturukan ng COVID-19 vaccine ang 70 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

Read more...