Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 14,775 na outbound passengers sa mga pantalan habang 14,662 inbound passengers.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Huwebes (April 15).
Nasa 2,056 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 329 ang inspected vessels at 265 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.