STS Surigae, posibleng pumasok sa bansa sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga

By Angellic Jordan April 15, 2021 - 06:31 PM

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo sa labas ng bansa na may international name na ‘Surigae.”

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, naging Severe Tropical Storm na bagyong bandang 8:00 ng umaga.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,140 kilometers Silangan ng Mindanao dakong 3:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Dahil dito, maaaring pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng gabi, April 15, o Biyernes ng umaga, April 16.

Oras na pumasok ng bansa, tatawagin ang bagyo na ‘Bising.’

Ani Clauren, posible pang lumakas ang bagyo dahil nasa karagatan pa sa susunod na 36 oras.

Pagpasok sa teritoryo ng bansa, maaari aniyang umabot sa typhoon category ang bagyo.

Ngunit, base sa forecast track, malabong mag-landfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Kapag lumaki pa ang bagyo, posible aniyang maapektuhan ang Silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa mga susunod na araw.

Samantala, hanggang Huwebes ng gabi, patuloy na makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan ang bansa.

Abiso nito, mataas ang tsansa ng pag-ulan dulot ng Easterlies at localized thunderstorms.

TAGS: Bising, BisingPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Surigae, weather update April 15, Bising, BisingPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Surigae, weather update April 15

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.