Pro-enviromental group, pinatitigil ang pagtambak ng dolomite sa Manila Bay

By Jan Escosio April 15, 2021 - 05:17 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Hiniling ng isang pro-enviromental group sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na itigil na ang pagtatambak ng dinurog na dolomite sa baywalk area ng Manila Bay.

Sinabi ni Oceana Vice President Gloria Estenzo-Ramos na sa halip na ituloy pa ang palpak na pagpapaganda ng Manila Bay, makakabuti kung asikasuhin muna ng gobyerno ang pagtugon sa pandemya.

Binanggit nito ang inilabas na pahayag ng UP Marine Science Institute noong nakaraang Setyembre na guguho lang ang dolomite dahil sa kondisyon ng look.

Paliwanag pa ng marine scientist, dahil sa pagtaas ng sea level at paghampas ng mga alon lalo na sa tuwing may bagyo, mababalewala din ang pagtambak ng dolomite at mas magiging magastos lang kung paulit-ulit itong gagawin.

Sinabi pa ni Estenzo-Ramos na ang mga unang itinambak na dolomite noong nakaraang taon ay inanod na ng hanggang 300 metro.

Hiniling din nito ang pagsasagawa ng Enviromental Impact Assessment sa proyekto.

“What the project contractors are doing is reclaiming parts of Manila Bay. Any kind of land reclamation would result in the large displacement of the marine sediments and the development of mud-waves beneath the reclamation fill,” sabi pa nito.

TAGS: dolomite, Inquirer News, manila bay white sand, Oceana, Radyo Inquirer news, dolomite, Inquirer News, manila bay white sand, Oceana, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.