Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Roland Aguto, mayroon na silang magandang lead at umaasa silang sa mga sumusunod na araw ay makikilala, maa-aresto at makakasuhan na nila ang mga nasa likod nito.
Base aniya sa IP address at intelligence report, napag-alaman ng NBI na naka-base lamang sa Pilipinas ang mga hackers.
Tumanggi naman na si Aguto na magbigay ng iba pang detalye tungkol dito upang hindi naman mabulilyaso ang kanilang isinasagawang imbestigasyon, pero oras aniya matukoy nila ang mga ito, agad nila itong kakasuhan ng pag-labag sa Cybercrime Prevention Act.
Samantala, tiniyak naman ni COMELEC spokesperson James Jimenez sa publiko na hindi kabilang ang mga sensitibong impormasyon tulad ng biometrics data sa mga nai-leak ng mga hackers.
Matatandaang hinack ng Anonymous Philippines at LulzSec Pilipinas ang website ng COMELEC noong March 27.