Mga polisiya ng FDA at DOH ukol sa mga produktong panlaban sa COVID-19, isinulong na imbestigahan ng Kamara

By Erwin Aguilon April 15, 2021 - 04:32 PM

Nais maimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga polisiya na ipinapatupad ng Department of Health o DOH at Food and Drug Administration o FDA para sa “registration, utilization, manufacture, distribution or sale” ng mga produkto laban sa COVID-19.

Base sa inihaing House Resolution 1711 nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Bernadette Herrera, pinakikilos nila ang House Commitee on Good Government and Public Accountibility para magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation.”

Nakasaad sa resolusyon na may mga polisiya at panuntunan ang DOH at FDA na lumalabas na hindi para sa kapakanan ng publiko.

Tinukoy ng mga ito ang FDA circular at iba pang guidelines na kinukuwestyon dahil nakakaapekto o nakakaantala raw sa approval at clearance sa ilang mga gamot para sa emergency use authorization o EUA o compassionate special permit sa kasagsagan ng pandemya.

Pinaalalahanan din nina Velasco at Herrera ang FDA at DOH na mandato ng estado sa ilalim ng 1987 Constitution na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan sa kalusugan.

TAGS: 18th congress, Bernadette Herrera, COVID-19 guidelines, COVID-19 response, doh, FDA, House Resolution 1711, House Speaker Lord Allan Velasco, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, Bernadette Herrera, COVID-19 guidelines, COVID-19 response, doh, FDA, House Resolution 1711, House Speaker Lord Allan Velasco, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.