DBM, naglaan na ng pondo para sa senior high

rizal hs start classNaglaan na ang Department of Budget (DBM) ng P12 bilyong pondo para suportahan ang mga papasok na senior high school sa school year 2016- 2017.

Ibibigay ito sa mga kwalipikadong senior high school bilang tulong pinansyal sa pagpasok nito sa mga private o di kaya ay mga non-DepEd public school na nag-aalok ng senior high school program.

Ayon kayBudget Sec. Butch Abad, layon nito na matiyak na makukumpleto ng mga mag-aaral ang huling dalawang taon ng k-12 program, piliin man nito na mag-enroll sa isang pribado o pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng SHS voucher program, makakatanggap ang bawat senior high school student ng average na P18,300 na financial assistance para punan ang isang school year.

Sa nasabing pondo, P11.2 billion ang ilalaan para sa mag-eenroll sa mga private non-DepEd school habang ang natitira ay para sa mga papasok sa mga public non-DepEd school tulad ng mga state colleges at universities.

Read more...