Ayon kay SSS Asst. Vice President Renato Jacinto Cuisia ng SSS Operations Legal Department, napatunayang guilty sa paglabag sa Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997 ang negosyanteng si Albert Surla, may ari ng A.S. Surla Construction.
Dagdag pa ni Cuisia pinababayaran din kay Surla ang kabuuan ng kinaltas niya mula sa kanyang mga trabahador na aabot sa mahigit P1.117 million.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng awtoridad si Surla dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ng Paranaque Regional Trial Court branch 194 laban sa kanya.