Nasawi ang dalawang residente sa Ilocos Norte dahil sa COVID-19.
Ayon sa Provincial Government ng Ilocos Norte, ito na ang ika-siyam at ika-sampung COVID-19 related death sa nasabing probinsya.
Pumanaw ang isang 24-anyos na lalaking residente ng Barangay 23 sa Laoag City at ang 55-anyos na lalaking residente naman ng Barangay Ar-arusip sa Badoc.
Samantala, 14 naman ang bagong napaulat na gumaling sa nakakahawang sakit sa lugar habang 26 ang bagong tinamaan.
Dahil dito, base sa datos hanggang 10:00, Miyerkules ng gabi (April 14), umabot na sa 1,363 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte, kung saan 312 ang aktibong kaso.
Nasa 1,041 naman ang COVID-19 recoveries habang 10 ang COVID-19 related deaths.
Tiniyak naman ng Provincial Government ng Ilocos Norte na lahat ng pasyente na apektado ng COVID-19, kabilang ang mga suspect at probable case, ay naka-admit sa mga ospital at quarantine facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.