Anim na private emission testing centers, sinuspinde ng DOTr
Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang anim na private emission testing centers.
Ayon sa kagawaran, sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), naglabas ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) dahil sa pamemeke ng emission test results.
Pinatawan ng suspensyon ang mga sumusunod:
1. Jal Emission Testing Center – Roxas (Datiles St. Brgy. Tiza Roxas City)
2. JPV Motor Vehicle Emission Testing Center Co-Capiz (Taft St., Poblacion, Dumalag, Capiz)
3. JPV Motor Vehicle Emission Testing Center – Roxas City (Hermingway St., Brgy. Tiza Roxas City)
4. AJM Emission Testing Center (McArthur Highway, Sto. Domingo, Angeles City Pampanga)
5. Thessan Emission Testing Center (San Roque, Iriga City)
6. JW Private Emission Testing Center (Sta. Rosa, Bangued, Abra)
Epektibo ang suspensyon sa loob ng 90 araw.
Babala ng DOTr sa mga IT Service Provider, posible silang mapatawan ng parusa kapag nagpatuloy sa pagproseso ng mga datos na galing sa mga suspendidong emission centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.