P3.2-M na ayuda, ibibigay ng Army sa pamilya ng mga nasawing sundalo

AFPNaglabas na ang Philippine Army ng P3.2 milyong halaga ng ayuda para sa mga naiwang pamilya ng 18 sundalo na napatay sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Basilan kamakailan.

Ayon kay Army spokesperson Col. Benjamin Hao, may kabuuang P3,289,254.50 ang ibibigay sa mga nagluluksang pamilya ng mga sundalo.

Ang inilabas na immediate monetary assistance ng Army ay base sa buwanang sahod ng bawat isa sa 18 sundalong nasawi habang sila ay naglilingkod sa bayan.

Bukod dito, makakatanggap din ng tulong pinansyal ang mga pamilya na nagkakahalagang P50,000 mula sa AFP Mutual Benefits Association Inc., P100,000 mula sa Philippine Army Finacne Center Producers Integrated Cooperative, P80,000 funeral services support at scholarship grants naman para sa kanilang mga anak.

Siyempre, asahan rin na makakatanggap sila ng full military honors.

Samantala, itinanggi naman ni Defense Sec. Voltaire Gazmin ang mga ulat na kinansela ang pagbibigay ng funeral honors sa mga sundalo./

Read more...