Dating Health chief, tutol na paghaulin ang brand ng bakuna sa pagtuturok kontra COVID-19

By Erwin Aguilon April 15, 2021 - 01:47 PM

Wala pang clinical data sa ngayon na nagpapakitang epektibo ang paghahalo ng magkaibang brands ng COVID-19 vaccines.

Kaya naman, naniniwala si dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin na mas mabuting parehong brands na lang ng bakuna ang gamitin sa una at ikalawang doses.

Reaksyon ito ng kongresista sa pahayag ng mga vaccine expert sa Pilipinas na pinag-aaralan nito ang posibiidad na paghaluin ang pagtuturok ng magkaibang brands ng bakuna dahil sa limitadong suplay.

Ayon kay Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Niña Gloriani, wala namang isyu para gawin ito bagama’t kailangan ng guidelines.

Pero para kay Garin, mas mainam na mag-stick na lang sa parehong brand sa pagbabakuna.

Sa panig naman ng Department of Health (DOH), pinag-aaralan pa anila ng mga eksperto ang tungkol sa bagay na ito at nananatili ang posisyon ng DOH at FDA na dapat parehong brand ang gamitin sa first at second dose ng pagbabakuna.

TAGS: 18th congress, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Janette Garin, 18th congress, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Janette Garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.