Bilang ng manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ECQ, umabot na sa 1.5-M
Pumalo sa 1.5 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Metro Manila at apat na kalapit na probinsya.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na bumaba lamang ito nang ibaba sa modified enhanced commhnity quarantine.
Ibig sabihin, nakabalik sa trabaho ang kalahating milyon dahil sa pagbubukas ng negosyo.
Kasabay nito, sinabi ni Lopez na P1. 8 bilyon ang nawala sa ekonomiya dahil sa ECQ.
Umaasa si Lopez na makababalik din ang isang milyong manggagawang nawalan ng trabaho kapag isinailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.