P122M halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust operation sa Las Piñas

By Jan Escosio April 15, 2021 - 12:47 PM

PDEA PHOTO

Inaresto ang anim katao, kabilang ang isang menor-de-edad, sa  ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA sa Las Piñas.

Nakumpiska sa operasyon ang may 18 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P122.4 milyon at dalawang sasakyan, isang Mitsubishi Expaner (NFU 8599) at Kia Rio ( EG 2874)

Lumalabas na alas-10:30 ng umaga kahapon nang ikasa ang operasyon sa Tionquiao street, Gatchalian Subdivision.

Kinilala naman ang mga naaresto na sina, Reyano Oraid, Khen Moreno, Efren Mangona, Abdulmunir Addin at Shay An Mokamad.

Nabatid na ang napasamang menor de edad ay 15-anyos.

TAGS: las pinas, PDEA, shabu, las pinas, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.