2 pang suspek sa Belgium attacks, kinasuhan

AP photo
AP photo

Sinampahan na ng kaso ng mga otoridad sa Belgium ang dalawa pang suspek na may kinalaman sa mga pag-atake sa Brussels.

Tinukoy lamang ng Belgian Federal Prosecutor’s office ang mga suspek na Smail F. at Ibrahim F., na pawang mga sinasabing nangupahan ng apartment sa Etterbeek sa Brussels.

Ang nasabing apartment ay nagsilbing hideout ng bomber na umatake sa istasyon ng tren sa Brussels, pati na rin ang hinihinalang kasabwat nito.

Sa bisa ng utos ng mahistrado, sinampahan ang mga suspek ng mga kasong participating in the activities of a terrorist group, terrorist murder at attempted terrorist murder as perpetrators, co-perpetrators or accomplices.

Ayon sa RTBF broadcasting, ang dalawang suspek ay magkapatid, at ang nakatatanda na si Smail F. ang nangupahan sa apartment, habang ang mas bata naman ang tumulong klaruhin ito pagkatapos ng mga pag-atake.

Hinalughog ng mga pulis ang nasabing apartment sa Etterbeek noong Sabado ngunit wala na silang natagpuang anumang armas o mga pampasabog.

Read more...