Pumalo na sa 72,134 doses ng bakuna ang naideploy sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inilaan ang mga bakuna para sa mga frontline workers o A1 priority list, senior citizens at mga inbidwal na may comorbidities o may sakit.
Hinihikayat ni Mayor Isko ang lahat ng mga interesadong magpabakuna na mag pre-register sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis at episyenteng vaccination process.
Ngayong araw ay ipinagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng second dose vaccination para sa frontline workers na una nang nakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19 noong March 2 hanggang March 18.
Isinasagawa ang vaccination sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulvard.
Magtatagal ang pagbabakuna mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.