Mahigit 70,000 doses ng COVID-19 vaccine naideploy na sa Maynila

By Chona Yu April 15, 2021 - 12:16 PM

Manila PIO photo

Pumalo na sa 72,134 doses ng bakuna ang naideploy sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inilaan ang mga bakuna para sa mga frontline workers o A1 priority list, senior citizens at mga inbidwal na may  comorbidities o may sakit.

Hinihikayat ni Mayor Isko ang lahat ng mga interesadong magpabakuna na mag pre-register sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis at episyenteng vaccination process.

Ngayong araw ay ipinagpapatuloy ng lokal na pamahalaan  ang pagsasagawa  ng second dose vaccination para sa frontline workers  na una nang nakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19 noong March 2 hanggang March 18.

Isinasagawa ang vaccination  sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulvard.

Magtatagal ang pagbabakuna mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

TAGS: covid 19 vaccine, Maynila, Mayror Isko Moreno, covid 19 vaccine, Maynila, Mayror Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.