Media dapat mapasasa sa A4 priority list sa bakuna kontra COCID-19 ayon sa PTFoMS
Humihirit ang Presidential Task Force on Media Security sa National Task Force against COVID-19 na maisama ang nga kagawad ng media sa priority list na matuturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Communications Secretary at PTFoMS co-chairman Martin Andanar, lumiham na siya kay NTF chief implementer Carlito Galvez na isama sa A4 priority list ang media.
Una rito, umapela na rin sina Senador Bong Go, Senator Joel Villanueva at Presidential Spokesman Harry Roque kay Galvez na gawing prayoridad ang pagbabakuna sa mga taga-media.
Hindi maikakaila ayon kay Andanar na isinusugal ng mga kagawad ng media ang kanilang buhay para makapaghatid lamang ng tamang balita sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.