Misamis Oriental provincial health office, nasunog
Tinupok ng apoy ang Misamis Oriental Provincial Health Office sa Cagayan de Oro City, Miyerkules ng gabi.
Ang apektadong gusali ay nasa loob ng provincial government compound.
Nasa 19 fire trucks mula sa iba’t ibang fire stations sa Misamis Oriental ang nagtulung-tulong upang maapula ang sunog.
Ayon sa Misamis Oriental Provincial Information Office, idineklara nang fire under control sa nasabing lugar.
Sa kabila nito, nananatiling positibo si Provincial IATF Chief Dr. Jerie Calingasan na patuloy pa ring makakapaghatid ng serbisyo sa nasabing probinsya, lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, wala pang resulta sa isinagawang inisyal na imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.