Senator Bongbong Marcos suportado ng Gobernador at Obispo ng Negros Occidental

bongbong marcos with bishop navarraBinasbasan ni Negros Occidental Bishop Vicente Navarra si vice presidential candidate senator Bongbong Marcos at pinayuhan itong maging matatag sa gitna ng pag-atake sa kanya.

Payo pa ng obispo, panatilihin ni Marcos ang pagiging kaibigan maski sa kanyang mga kritiko.

Samantala, bumilib kay Marcos si Negros Occidental Governor Alfredo Maranon, miyembro ng ruling Liberal party, dahil sa pagiging kalmado nito sa vice presidential debate sa University of Santo Tomas.

Una nang sinabi ni Marcos na inaasahan na niya ang pag-atake sa kanya dahil sa pulitika at napaghandaan niya ito.

Nasa Bacolod City, ang senador sa ikalawang araw ng kanyang unity caravan sa Western Visayas.

Habang nasa Bacolod, ay nag-courtesy call si Marcos at pamilya nito kay Bishop Navarra at nagkaroon sila ng pribadong pulong sa bahay ng obispo.

Binisita rin ni Marcos si Iloilo Archbishop Angel Lagdameo na ipinagdasal naman ang senador.

Ikinukunsidera ni Marcos na isa siyang “ilonggo by choice” dahil ang misis niyang si Atty. Louise Araneta ng Bago City ay isang Ilongga.

Read more...