CHR, umapela na isama ang mga preso sa mga dapat mabigyan ng bakuna vs COVID-19

By Angellic Jordan April 14, 2021 - 11:27 PM

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na isama ang persons deprived of liberty (PDLs) sa mga dapat mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, dapat ikonsidera na mapabilang sa priority population ang mga bilanggo dahil kabilang sila sa mga madaling madapuan ng sakit sa loob ng kulungan.

“This is in consonance with the recommendation of the UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights that governments have an obligation to provide vaccines for groups that are at high risk of contagion, such as incarcerated people,” pahayag nito.

Ipinunto ni de Guia ang kondisyon sa mga piitan kung saan siksikan ang mga preso, hindi sapat na healthcare services, at mas mataas na bilang ng pre-existing medical conditions sa mga bilanggo, lalo na sa mga nakatatandang preso.

Hinikayat din nito ang gobyerno na maglaan ng malinaw na vaccination plan, policy at treatment strategies.

“No one should be left behind,” giit pa ni de Guia.

Apela pa nito sa gobyerno, maglabas ng up-to-date data ukol sa COVID-19 infections at related deaths sa mga kulungan upang makabuo ng mas tamang hakbang sa mga piitan.

“In developing national vaccination plans, it should not discriminate against those held in detention,” dagdag pa ni de Guia.

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, COVID-19 vaccination, Inquirer News, priority group, Radyo Inquirer news, Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, COVID-19 vaccination, Inquirer News, priority group, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.