130,074 pamilya sa Maynila, nabigyan na ng tig-P4,000 ayuda

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa Lungsod ng Maynila.

Base sa datos ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 14), umabot na sa 130,074 pamilyang taga-Maynila ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ECQ ayuda mula sa gobyerno.

Pinuntahan mismo ng mga kawani ng MDSW ang mga itinalagang distribution area sa anim na distrito ng lungsod.

Siniguro na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health protocols sa distribution areas.

Nagpasalamat si Mayor Isko Moreno sa serbisyo ng MDSW, gayundin sa Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, at Department of National Defense.

Read more...