Mga lugar na naka-lockdown sa QC, nadagdagan pa

By Angellic Jordan April 14, 2021 - 10:55 PM

Nadagdagan ang mga lugar na nasa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City.

Batay sa datos ng Quezon City government hanggang sa araw ng Miyerkules, April 14, nasa 39 na ang kabuuang bilang ng naka-lockdown na sa lungsod.

Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw naman ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, lockdown in QC, Radyo Inquirer news, SCLA, COVID-19 response, Inquirer News, lockdown in QC, Radyo Inquirer news, SCLA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.