Pagbawi sa EO 128, magpapatunay na sensitive si Pangulong Duterte – Lacson

By Jan Escosio April 14, 2021 - 06:34 PM

Magandang balita, ayon kay Senator Panfilo Lacson, kung babawiin ng Malakanyang ang Executive Order 128 na nagpapababa sa taripa, samantalang magpapataas naman sa minimum access volume (MAV) sa imported pork products.

Sabi pa ni Lacson, papatunayan nito na sensitibo sa mga makatuwirang puna sa mga maling payo ang Punong Ehekutibo.

Diin niya muli, mas makakasama sa halip na makabuti sa lokal na industriya ng pagbababoy ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, umaasa pa rin ang senador na intindihin ng Malakanyang ang sitwasyon ng 80,000 backyard hog raisers sa bansa bukod pa sa kanilang pamilya at mga tauhan.

Sinabi naman na pagiging makasarili ang ginawa ng Department of Agriculture matapos aminin ng kagawaran na ang kanilang rekomendasyon ay base lang sa kanilang sariling pagsusuri sa sitwasyon.

“We based our opposition and arguments on the data provided by the Philippine Statistics Authority. If you ask me, I’ll take the side of data anytime,” sabi pa ng senador.

TAGS: hog raisers, Inquirer News, pork meat, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Senate, hog raisers, Inquirer News, pork meat, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.