Droga iniuugnay sa pagpatay sa isang lady reporter sa Pasig City

By Jan Escosio April 12, 2016 - 08:39 PM

Crime scene2Illegal drugs o droga ang isa sa mga anggulong tinitingnan sa pagpatay sa isang lady reporter kahapon sa Pasig city.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-iimbestiga ng lokal na pulisya ukol sa pagpatay kay Gemma Angeles na sinasabing reporter ng pahayagang The Daily Tribune.

Sa paunang imbestigasyon, natutulog si Angeles nang pagbabarilin sa loob ng isang bodega sa Barangay Pinagbuhatan Pasig City.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa Cal. 45 na baril at drug parapheranalia.

Nabatid na ang biktima ay maybahay ng mamamahayg na si Fernan Angeles na pinagbabaril din sa nabanggit din na Barangay sa Pasig city noong March 2012.

TAGS: drugs, Pasig City, pinagbuhatan, drugs, Pasig City, pinagbuhatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.