NDRRMC, naglabas ng direktiba sa paghahanda sa Tropical Storm Surigae
Naglabas ng direktiba ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) ukol sa paghahanda sa Tropical Storm ‘Surigae.’
Sa inilabas na memorandum no. 34, series of 2021, ipinag-utos ng ahensya sa chairpersons ng RDRRMCs at LDRRMCs at OCD Regional Directors ang paghahanda sa pagpasok ng naturang bagyo sa bansa.
Partikular na binanggit ng NDRRMC ang pagsasagawa ng risk communication activities, paglalabas ng warming messages at advisories; pre-disaster risk assessment; pag-activate sa Emergency Operations Centers; pagsasagawa ng resource inventory para sa disaster response operations; at prepositioning sa assets at teams.
Pinatitiyak ng NDRRMC na habang isinasagawa ang paghahanda ay dapat masunod pa rin ang response efforts sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa huling abiso ng PAGASA, inaasahang papasok ng bansa ang bagyo sa araw ng Biyernes, April 16.
Oras na pumasok sa teritoryo ng bansa, tatawagin na itong ‘Bising.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.