BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 8,122 na bagong kaso ng COVID-19; Kabuuang bilang, higit 892,000 na
Lagpas muli sa 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (April 14), pumalo na sa 892,880 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 173,047 o 19.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,122 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 162 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 15,447 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 501 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 704,386 o 78.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.