LOOK: Tugade, nag-inspeksyon sa Calbayog Airport

DOTr photo

Nagsagawa ng inspeksyon si Transportation Secretary Arthur Tugade sa Calbayog Airport, araw ng Miyerkules.

Dumaan ang kalihim sa naturang paliparan bago ang nakatakdang pagpunta sa Tagbilaran, Bohol para sa inagurasyon ng Tagbilaran Port at inspeksyon sa Maribojoc Port.

“I will leave Calbayog on a happy note, I am very happy that the team was able to address the issues I have raised when I last visited this airport,” pahayag ni Tugade.

Handa na aniya ang Calbayog Airport para sa inagurasyon.

Kabilang sa mga natapos nang airport projects ang konstruksyon ng bagong Passenger Terminal (PTB) na may shed, expansion ng apron at bagong taxiway, pagpapalawak ng runway, runway strip grade correction, konstruksyon ng RESA sa Runway 35, VPA 1, perimeter fence at security fence, at drainage system.

Nagpasalamat naman si Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento sa kalihim para sa magandang development sa naturang paliparan.

Kasama ni Tugade sa inspeksyon sina Chief of Staff at DOTr Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Aviation Jaime Melo, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco, Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, at Francis Cusi.

Read more...