Mga indibiduwal na may high blood, hinimok na magpabakuna vs COVID-19

Taguig City government photo

Hinihimok ng Philippine Heart Association ang mga indibidwal na high blood na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PHA president at cardiologist Doctor Orly Bugarin na maaring magpabakuna ang mga may hypertension o may cardiovascular disease.

Sa ngayon kasi aniya, wala pang matibay na ebidensya na nagsasabing ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay may masamang epekto sa mga may high blood.

Pero kinakailangan lamang aniyang ipagpatuloy ang pag-inom ng kanilang maintenance na gamot.

Hindi rin aniya dapat na bakunahan kung ang blood pressure ng isang indibidwal ay umabot na sa 180/120.

“Hindi po dapat maging hadlang ang mataas na blood pressure para sila ay mabakunahan except kung ang blood pressure nila ay more than 180/120 sa site ‘no at sila ay may mga nararamdaman, may mga sintomas po sila. So, bago po sila mabakunahan, mataas ang BP, itse-check po kung may mga sintomas silang nararamdaman,” pahayag ni Bugrain.

Payo pa ni Bugarin sa publiko, bago magpabakuna, huwag uminom ng kape, huwag manigarilyo.

Hindi rin dapat na symptomatic ang isang indibidwal bago magpabakuna.

Pakiusap pa ni Bugarin, maging kalmado sana at hindi nerbyusin para maging maayos ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Read more...