Sen. Marcos, nanawagan sa FDA na magamit na COVID-19 drug ang Ivermectin
Inihirit ni Senator Imee Marcos sa Food and Drug Administration (FDA) na payagan nang magamit na gamot laban sa COVID-19 ang Ivermectin.
Dapat aniyang bigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang Ivermectin dahil na rin sa mga testamento na nakatulong ito sa mga tinamaan ng COVID-19.
Diin pa ni Marcos, lubhang napakamura din ng Ivermectin sa halagang P35 kada piraso.
“Sana bigyan na ng emergency use permit. Kasi itong compassionate use approval na binibgay sa iilang hospital, nagkakaroon pa ng intriga. ‘Let’s make life easy for everyone. Pwedeng emergency use, huwag lang commercial,” hirit pa nito.
Ilang mambabatas ang umanin na uminom na sila ng Ivermectin, maging si dating Sen. Juan Ponce Enrile ay sinabi na maayos naman ang kanyang pakiramdam kahit uminom siya ng naturang gamot kontra bulate sa mga hayop.
Sinabi naman ng FDA na dahil sa kakulangan ng pag-aaral at pagsasaliksik na makakatulong ang Ivermectin kontra COVID-19 kayat hindi pa ito maaring magamit sa mga tinatamaan ng nakakamatay ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.