Pagbabakuna kontra COVID-19 sa MMDA personnel, sinimulan na

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Sinimulan na ng Metro manila Development Authority (MMDA) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga tauhan.

Ayon kay MMDA Chairman, Benjamin Abalos, unang tinurukan ang mga frontliner, mga senior citizen at may mga comorbidities o may mga sakit.

Aabot sa 8,000 ang tauhan ng MMDA.

Ayon kay Abalos, sa naturang bilang, 771 na empleyado ng MMDA ang nagpositibo sa COVID-19. Pero nasa 100 na lamang ang active cases.

Walong empleyado na ng MMDA ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Anabelle Ombina, 80 personnel ang nabakunahan na noong Lunes, April 12, samantalang 200 personnel ang babakunahan sa araw ng Miyerkules, April 14.

Tatlo aniya ang nakaranas ng lagnat.

Mahigit 5,000 doses ng Sinovac ang nakuha ng MMDA mula sa national government.

Read more...