Matapos ma wash out ang dolomite o white sand sa Manila Bay, muling tinambakan ito ng Department of Environment and Natural Resources.
Pero sa pagkakataong ito, nilagyan na ng malalaking bato ang baybaying dagat bago tinambakan ng dolomite.
May mga rock formation na rin na inilagay ang DENR para magmistulang tourist attraction.
Makikita ang mga heavy equipment sa Manila Bay na nag-aayos ng dolomite.
Ayon kay Arnel Tupan, isa sa mga namasyal sa Manila Bay, magandang tanawin na ito lalo na sa mga turista.
Pakiusap ni Tupan, ingatan sana ang Manila Bay at hindi na tapunan ng basura.
Una nang sinabi ng DENR na P389 milyon ang inilaang pondo para sa pagpapaganda sa Manila Bay kasama na ang paglalagay ng dolomite.
MOST READ
LATEST STORIES