‘Pagpapalambot’ ng Malakanyang sa EO 128 inaabangan
Nagkasundo na ang mga senador sa paghahain ng joint resolution kasama ang mga miyembro ng Kamara para mapawalang-bisa ang Executive Order 128 ni Pangulong Duterte.
Sa E0 128, pinaburan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na ibaba pa ang taripa sa mga imported pork products at sasabayan ito ng pagtaas ng minimum access volume (MAV) para dumami ang maipapasok na karne ng baboy mula sa ibang bansa.
Ngunit sa pahiwatig ng Palasyo na babawiin o palalambutan ang EO 128, sinabi ni Sen. Imee Marcos na sa umpisa pa lang ay kontra na siya sa ‘mass importation’ ng karne ng baboy.
Diin niya ang mawawalang P14 bilyon na kikitain sa taripa ay maaring magamit sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan o ipambili pa ng mga karagdagang COVID 19 vaccines.
Ipinunto din nito na sa naging hakbang ng Malakanyang, 2.5 milyong hog farmers sa bansa ang lubos na maapektuhan at ibinahagi niya na 65 porsiyento sa mga ito ay mahirap at ‘backyard raisers’ lang.
“Add to that the allegations of bribery in the DA. BOC and other government agencies,” pahabol pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.