Media workers dapat kasama sa vaccination priority list – Sen. Joel Villanueva
Tinawag na ‘information frontliners’ ni Senator Joel Villanueva ang mga nasa sector ng pamamahayag kaya’t dapat isama sa priority list ng vaccination program ng gobyerno.
Iginiit ni Villanueva na mahalaga ang bahaging ginagampanan ng media sa paghahatid ng makatotohanang impormasyon sa gitna ng kasalukuyang pandemya.
“Press freedom and timely access to truthful information are a must in times of pandemic. Media should be included in the A4 list. Ang media workers po natin ay ang ating information frontliners. Bukod sa peligroso ang kanilang trabaho, napakahalaga po ng kanilang ambag na kaalaman at impormasyon laban sa pandemya,” sabi ni Villanueva.
Dahil dito, inhirit ng senador maisama ang mga nasa media sa A4 priority list kasama ang mga tinatawag na ‘essential workers.’
Itinutulak din ni Villanueva na makasama sa dapat agad mabakunahan ang mga nagtitinda sa mga palengke, grocery and supermarket employees, driver ng public transport vehicles, delivery riders, guwardiya, construction workers at mga nasa utility services.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.