Magnitude 4.5 na lindol yumanig sa Batangas

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Calatagan, Batangas, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa 7 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Calatagan dakong 2:39am.

May lalim ito na 203 kms at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa  Calatagan, Batangas.

Wala namang napaulat na pinsala at inaasahang mga aftershocks ang nasabing pagggalaw ng lupa.

 

Read more...