Mahigit 350,000 food boxes, naipamahagi na sa Maynila

By Chona Yu April 14, 2021 - 07:48 AM

Umabot na sa higit 350,000 food boxes ang naipamahagi  sa 451 barangay sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program ng lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno,  nagawa ito sa loob ng anim na araw na pamamahagi ng food boxes sa ikatlong buwan ng programa.

Hangad kasi ni Mayor Isko na walang magutom sa Maynila.

Kaya naman buwan-buwang makatatanggap ng food boxes mula sa LGU Manila ang 700,000 na pamilyang Manilenyo hanggang Hulyo kung saan bawat food box ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, 16 na de lata, at walong sachet ng kape.

Bukod naman sa pamamahagi ng food subsidy, tuloy-tuloy din ang COVID-19 mass vaccination sa Maynila.

Ngayong araw, target ng Manila Health Department na mag-deploy ng 3,000 doses ng bakuna habang nasa 68,469 na ang kabuuang bilang ng deployed vaccines ng lungsod.

TAGS: COVID-19, food packs, lungsod ng Maynila, Manila Mayor Isko Moreno, mass vaccination, COVID-19, food packs, lungsod ng Maynila, Manila Mayor Isko Moreno, mass vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.