Isa ng Tropical Storm ang Tropical Depression na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, ang nasabing sama ng panahon ay mayroon ng international name na Surigae.
Kaninang 3am huling namataan ng weather bureau ang bagyo sa layong 1, 210 kms Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65kms bawat oras at bugso na aabot sa 80kms kada oras.
Kumikilos ang bagyo patungong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kms kada oras.
Inaasahang lalakas pa ang nasabing bagyo habang papalapit sa bansa.
Sa Biyernes inaasahang papasok ng PAR ang nasabing bagyo.
Hindi pa naman masabi ng weather bureau kung tatama sa lupa ang binabantayang bagyo.
Maari ayon sa PAGASA na lalapit ito sa Eastern Visayas o Bicol Region o kaya naman ay magtungo sa Hilaga.
Samantala, easterlies naman ang nagdadala ng mainit na panahon at maalinsangang panahon sa Luzon at Visayas.
Mga localized thunderstorm naman ang makaaapekto sa Mindanao.