Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Eastern Samar, Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 97 kilometers Northeast ng Hernani dakong 10:08 ng gabi.

28 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig, ayon sa Phivolcs.

Read more...