Mass testing sa railway sector, tuloy pa rin

By Angellic Jordan April 13, 2021 - 09:41 PM

Patuloy pa rin ang mass testing sa lahat ng railway personnel kasunod ng direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Base sa datos hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 12), sa 1,185 tauhan ng LRT-1, 794 napasuri kung saan 120 ang nagpositibo.

Sa 1,944 LRT-2 personnel, 1,870 ang sumailalim na sa swab test at 251 ang lumabas na COVID-19 positive.

Sa hanay naman ng MRT-3, 936 na tauhan ang sumailalim na sa pagsusuri kung saan 208 ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Sa 1,829 tauhan naman ng PNR, 1,252 ang nasuri na at 208 ang lumabas na positibo sa COVID-19.

TAGS: dotr, Inquirer News, Radyo Inquirer news, railway sector COVID-19 testing, Sec. Arthur Tugade, dotr, Inquirer News, Radyo Inquirer news, railway sector COVID-19 testing, Sec. Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.