Walang foul play sa pagkamatay ng Bilibid high profile prisoners – NBI
Inanunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na base sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation o NBI, walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng ilang high profile prisoners sa pambansang piitan.
Ayon kay Guevarra, walang ebidensiya na sinadya ang pagkamatay ng ilang kilalang preso, kasama na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez noong Marso 27.
Nabatid din na ‘natural cause’ ang ikinamatay ni convicted carjacker Raymond Dominguez noong Pebrero 13.
Noong nakaraang taon, 27 preso ang namatay dahil sa COVID-19 at kabilang sina Jaybee Sebastian, Amin Imam Boratong, Eugene Ho Chua, Francis Go, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Willy Yang, Shuli Lim Zhang, at Hung Kin Sing alyas Jimmy Ang.
Napatay naman sa riot noon ding nakaraang taon ang convicted drug trafficker na si Calvin Tan.
Base rin sa pag-iimbestiga ng NBI ukol sa naganap na riot, awayan ng dalawang magkalaban na grupo ang mitsa ng kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.