Bata, dalawa pa patay sa ambush sa Cotabato City

By Jan Escosio April 13, 2021 - 08:42 PM

Namatay ang tatlong katao, kabilang ang isang bata, sa pananambang sa Cotabato City, Martes ng umaga.

Kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Norma Dalimbang Sapi at Ali Abdulrahim Tamal.

Agad namatay ang dalawa sanhi ng mga tama ng bala.

Sinabi ni Police Col. Rommel Javier, director ng Cotabato City Police, sakay ang tatlo sa isang Toyota Vios at binabagtas ang isang kalsada sa Barangay Rosary Heights 11 nang sila ay tambangan.

Ayon pa sa opisyal, inaalam pa nila ang lahat ng mga posibleng motibo sa insidente.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.