Ibinahagi ni Education Secretary Leonor Briones na sa buong bansa, 1,212 public schools ang ginagamit sa iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa COVID-19 response.
Aniya, ang mga classroom sa mga nabanggit na eskuwelahan ay ginagamit na isolation at vaccination facilities.
Bukod aniya sa mga silid-paaralan, may mga ginagamit din sa katulad na pamamaraan ang ilang school gymnasiums at school complex.
May public schools sa Metro Manila ang pinayagan ng DepEd na magamit na isolation facility base sa mga ilang kondisyon na itinakda mismo ng kagawaran.
Sa Region 8 ang may pinakamaraming pampublikong paaralan na ginagamit bilang COVID-19 facility sa bilang na 422, samantalang 216 naman sa Region 5.
Samantala, ayon sa Commission on Higher Education (CHED), may 17 unibersidad at kolehiyo ang nag-alok na magamit ang kanilang lugar bilang vaccination sites.