Operasyon ng LRT-1 suspendido sa April 17 – 18, April 24 – 25

By Angellic Jordan April 13, 2021 - 07:53 PM

Magpapatupad ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng pansamantalang suspensyon sa operasyon ng LRT-1 sa darating na dalawang weekends ng Abril.

Paliwanag ng LRMC, layon nitong maituloy ang nalalabing maintenance at rehabilitation works sa nasabing linya ng tren na sinimulan noong Holy Week.

Epektibo ang weekend shutdown sa April 17 hanggang 18 at April 24 hanggang 25, 2021.

Kasama rito ang gagawing maintenance sa mga tren, istasyon at ilang systems kabilang ang scheduled replacement ng overhead catenary wires.

Ayon pa sa LRMC, makatutulong ito upang makabilis ang preparasyon para sa commercial use ng bagong Generation-4 train sets sa ikaapat na quarter ng taong 2021.

Kinumpirma naman ng Department of Transportation (DOTr) ang deployment ng public utility buses, na tatakbo sa Route 17 (Monumento patungong EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue), upang matulungan ang mga apektadong commuter.

Paalala ng LRMC, hindi magkakaroon ng pagbabago sa service schedule ng LRT-1 sa weekdays.

Tiniyak din ng LRMC na patuloy silang tatalima sa health at safety protocols habang isinasagawa ang maintenance works.

TAGS: Inquirer News, LRMC, LRT- 1 operation, LRT-1 maintenance works, LRT-1 weekend shutdown, Radyo Inquirer news, Inquirer News, LRMC, LRT- 1 operation, LRT-1 maintenance works, LRT-1 weekend shutdown, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.